Inanunsiyo ng Organization of Petroleum Exporting Countries (OPEC+) na babawasan nila ang oil production ng 2 million barrels kada araw kung saan ito na ang itinuturing na pinakamalaking pagbabawas ng produksiyon mula noong simula ang COVID-19 pandemic.
Ang naturang hakbang ay posible umanong magdulot ng pagtaas na naman ng presyo ng mga produktong gasolina sa international market.
Ang OPEC+ ay grupo ng mga major oil producers kasama na ang Saudi Arabia at Russia.
Ang anunsiyo ng OPEC+ ay matapos naman ang kauna-unahan nilang pagpupulong na huling naganap ay noon pang Marso ng taong 2020.
Sinasabing ang pagbabawas ng 2 milyong bariles kada araw sa produksiyon ay katumbas ito ng 2% sa global oil demand.
Agad namang naapektuhan ang presyuhan ng tinatawag na Brent crude oil na umangat ang presyo ng 1.5% na katumbas sa mahigit sa $93 kada bariles.
Ang production cuts ay magsisimula na sa buwan ng Nobyembre.
Samantala, binatikos naman ng Biden administration ang naging desisyon ng OPEC+ na tiyak na tatamaan ang mga low and middle-income countries na nakakaranas na rin ng mataas na presyuhan ng krudo.
Ang OPEC at mga kaalayado nito na komokontrol sa 40% ng global oil production ay umasang mapigilan ang pagbaba ng demand dahil sa economic slowdown sa China, Amerika Europe.
Naniniwala naman ang ilang analyst na ang pagtaas ng presyo ng langis ay nangangahulugan din na mananatili ang inflation ng matagal at inaasahang magbibigay ng pressure sa Federal Reserve na mas lalong magtataas din ng interest rates.