TACLOBAN CITY – Mismo ang mga overseas Filipino workers (OFW) sa bansang Canada ay nakatutok sa nagpapatuloy na laro ng NBA Finals sa gitna ng Golden State Warriors at Toronto Raptors.

Ayon kay France Almeida, OFW sa Toronto, Ontario, pati na sa naturang bansa ay ipinapakita ng mga Pilipino ang hilig sa basketball.

Kaugnay nito, kanya-kanya na ring pustahan ang mga OFW sa Canada kung sino ang mananalo sa NBA Finals.

Ikinagulat naman nito ang pagkatalo ng Warriors at isa sa kanilang nakikitang dahilan ay ang hindi paglalaro ni Durant.

Kanya-kanya na rin ng prediksyon ang ilang sports analyst para sa Game 2.

Ayon kay Artemio Leo Betanzor, isang sports analyst na magiging crucial ang susunod na games.

Magiging delikado umano para sa Toronto kung manalo sa Game 2 ang Golden State Warriors dahil baka magtuloy-tuloy na ang kanilang panalo hanggang kampeonato lalo pat babalik na sa Game 3 ang two-time MVP na si Kevin Durant.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here