-- Advertisements --
Kinumpirma ng Malacañang na sa Kingdom of Saudi Arabia na ililibing ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na namatay dahil sa COVID-19.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay alinsunod sa tradisyon sa Saudia Arabia kaya walang magagawa rito ang gobyerno ng Pilipinas.
Ayon kay Sec. Roque, sang-ayon sa report ng Department of Labor and Employment (DOLE), nasa 50 OFWs ang namatay dahil sa COVID-19 sa Saudi Arabia at doon na ililibing.
Sa kabuuan, nasa 282 Pilipino ang namatay na sa Saudi Arabia at tanging mga namatay na walang kinalaman sa COVID-19 ang maiuuwi sa bansa.
Inihayag ni Sec. Roque na naatasan na ang mga kinuukulang ahensya ng gobyerno na bigyan ng assistance ang pamilya ng mga nbasawing OFWs.