LA UNION – Patay ang isang overseases Filipino worker (OFW) matapos umano itong magbigti sa loob ng yate ng amo nito sa Kwun Tong Pier sa Hong Kong.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay Emily Miranda na ngayon ay nasa Hong Kong, sinabi nito na “lover’s quarrel” umano ang nakikitang dahilan ng mga pulis sa pagpapakamatay ng hindi na pinangalanang 36-anyos na mister.

Wala naman umanong foul play sa nasabing insidente.