KORONADAL CITY- Nasa maayos ng kondisyon ang isang maltreated OFW sa Qatar makaraang humingi ng tulong sa Bombo Radyo.

Ayon kay Rosaley Getingan, tubong lungsod ng Koronadal, na sa kasalukuyan pinoproseso na ng kanyang recruitment agency ang mga papeles nito upang tuluyan ng makauwi sa bansa.

Lubos ang kayang pasasalamat sa Bombo Radyo na nagserbeng tulay upang mapaabot ang kanyang sinapit sa nasabing bansa.

Kung maaalala, humingi ng tulong sa himpilan si Rosaley dahil minamaltrato ito ng kanyang employer na lalaki at hindi pinapakain.

Sa kabila nito, matapang itong inereport sa mga otoridad at tuluyang ring nangako ang employer na hindi na maulit pa ang ginawa.