Pormal na ipinakita sa publiko ng FIBA ang gagamiting official logo para sa 2023 FIBA World Cup.

Magiging host kasi sa nasabing torneo ang Pilipinas, Japan at Indonesia.

Makikita sa loga ang puso na sa gitna nito ay ang Naismith Trophy.

Ayon sa FIBA na ang ibig sabihin ng logo ay pagpapakita ng hilig ng mga mamamayan ng nasabing bansa sa basketball.

Pinagkakaisa nila ang mga milyong fans na para tumibok na mag-isa.

Gaganapin ang torneo mula Agosto 25 hanggang Setyembre 10, 2023 sa Manila, Okinawa at Jakarta.