-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng Office of Civil Defense na inalis na nito ang entry ban sa 6 kilometer extended danger zone ng Bulkang Kanlaon sa Negros Island.

Sa kabila ng pagtatanggal sa entry ban ng Regional Task Force Kanlaon, nilinaw ng OCD na nananatiling limitado ang pagpasok sa naturang lugar.

Ginawa ng ahensya ng kumpirmasyon matapos ang isinasagawang recovery at development plan ng mga concerned agencies ng gobyerno.

Ang naturang mga plano ay para sa lahat ng mga residenteng apektado ng paminsan-minsang pag-aalburuto ng bulkang Kanlaon.

Ayon kay OCD Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno, papayagan lamang na makapasok sa lugar ang magsasaka at mga kinatawan ng pamilya na bibisita sa kanilang mga pananim at bahay na naiwan sa lugar.

Maaaring pumasok sa loob ng 6 kilometer extended danger zone mula alas 6 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon lamang para maiwasan ang anumang masamang pangyayari.

Umapela rin ang ahensya sa lahat ng mga residente sa lugar na maging vigilante at alerto sa lahat ng oras.