-- Advertisements --

Sinuspendi ng Metropolitan Manila Development Authority ang expanded number coding scheme sa araw ng Lunes, Marso 6.

Kasunod ito sa gaganaping malawakang tigil pasada ng mga transportation group dahil sa pagkontra sa jeepney modernization program ng gobyerno.

Hindi naman nagbigay pa ng ibang detalye ang MMDA kung magiging isang linggo ba ang pagsuspendi nila ng Expanded Unified Vehicular Volume Reduction Program (UVVRP) dahil ang tigil pasada ay magsisimula mula Marso 6 hanggang 12.

Pagtitiyak pa ng MMDA na nakahanda aniya sila na magbigay ng libreng sakay sa mga maaapektuhang pasahero bunsod ng tigil pasada.