-- Advertisements --

Patuloy na lumalakas ang Bagyong Uwan sa nakalipas na 24 oras habang ito’y kumikilos sa silangang bahagi ng Philippine Sea, sa tapat ng Eastern Visayas.

Ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa 680 kilometro silangan ng Borongan City, Eastern Samar o 760 kilometro silangan ng Catarman, Northern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hangin na 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna, bugso na umaabot sa 170 kilometro bawat oras, at central pressure na 965 hPa. Kumikilos ito pa-kanluran sa bilis na 35 kilometro bawat oras, habang ang lakas ng hangin mula sa bagyo ay umaabot hanggang 780 kilometro mula sa gitna.

Itinaas na ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa Catanduanes, the eastern portion of Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Buhi, Caramoan, Tigaon, Garchitorena, Calabanga, Sagñay, San Jose, Presentacion, Baao, Ocampo, Milaor, Nabua, Bato, Camaligan, Pili, Iriga City, Magarao, Minalabac, Balatan, Naga City, Bombon, Bula, Canaman), Albay, Sorsogon, and Ticao Islands

Visayas: Northern Samar, the northern portion of Samar (Matuguinao, San Jose de Buan, Calbayog City), and the northern portion of Eastern Samar (Maslog, San Policarpo, Dolores, Jipapad, Oras, Arteche)

Samantala, nakataas ang Signal No. 1 sa mga sumusunod na lugar:

Batanes, Cagayan, Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Kalakhang Maynila (Metro Manila), Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon, Camarines Norte, natitirang bahagi ng Camarines Sur, natitirang bahagi ng Masbate kabilang ang Burias Island, Marinduque, Romblon, Silangang Mindoro (Oriental Mindoro), Kanlurang Mindoro (Occidental Mindoro) kabilang ang Lubang Islands, Calamian Islands, at Cuyo Islands

Visayas:
Natitirang bahagi ng Samar, natitirang bahagi ng Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, hilagang-silangang bahagi ng Bohol (Getafe, Talibon, Buenavista, Trinidad, San Miguel, Ubay, Alicia, Mabini, Bien Unido, Pres. Carlos P. Garcia), hilaga at gitnang bahagi ng Cebu (Medellin, Daanbantayan, Lungsod ng Bogo, Tabogon, San Remigio, Tabuelan, Borbon, Sogod, Tuburan, Catmon, Carmen, Lungsod ng Danao, Compostela, Liloan, Consolacion, Lungsod ng Lapu-Lapu, Lungsod ng Mandaue, Cordova, Asturias, Lungsod ng Cebu, Balamban, Lungsod ng Talisay, Lungsod ng Toledo, Minglanilla) kabilang ang Bantayan at Camotes Islands, hilagang bahagi ng Negros Occidental (Lungsod ng Escalante, Toboso, Lungsod ng Sagay, Lungsod ng Cadiz, Calatrava, Manapla, Lungsod ng Victorias, Enrique B. Magalona, Lungsod ng Silay, Lungsod ng Talisay, Lungsod ng San Carlos, Salvador Benedicto, Murcia, Lungsod ng Bacolod), hilaga at gitnang bahagi ng Iloilo (Carles, Estancia, Balasan, San Dionisio, Concepcion, Batad, Sara, Ajuy, Barotac Viejo, San Rafael, Lemery, Lambunao, Calinog, Bingawan, Lungsod ng Passi, San Enrique, Anilao, Banate, Dingle, Dueñas, Janiuay, Badiangan, Mina, Pototan, Barotac Nuevo, Maasin, Cabatuan, New Lucena, Santa Barbara, Zarraga, Dumangas, Leon, Alimodian), Capiz, Aklan, at hilaga at gitnang bahagi ng Antique (Pandan, Libertad, Sebaste, Culasi, Valderrama, Tibiao, Barbaza, Laua-An, Bugasong, Patnongon, San Remigio) kabilang ang Caluya Islands

Mindanao:
Dinagat Islands at Surigao del Norte