Nanawagan si dating Ilocos Sur Gobernor Chavit Singson kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. na lumaban sa garapalang korapsiyon sa bansa.
Sa kanyang open letter para sa AFP Chief, iginiit ni Singson na ang pinakamalaking banta sa Pilipinas ay korapsiyon sa loob ng bansa, hindi ang China o iba pang dayuhan.
Binanggit niya rin na lumalala ang problema sa gobyerno habang labis na pinagpo-pokusan nito ang panlabas na banta.
Hinihikayat din ni Singson ang AFP na hayagang ipahayag ang kanilang paninindigan laban sa katiwalian.
Tinukoy ni Singson ang umano’y maanomaliyang flood control projects sa Ilocos Norte bilang halimbawa ng malawakang korapsiyon subalit mariing itinanggi ni Chavit ang mga akusasyon na siya ay nakinabang sa mga proyekto.











