Binigyang linaw ng Department of Justice na wala pa silang natatanggap na kopya ng ‘warrant of arrest’ para kay Sen. Bato Dela Rosa mula sa International Criminal Court.
Ayon mismo sa ipinadalang mensahe ni Atty. Polo Martinez, spokesperson ng kagawaran, wala pa aniya silang kumpirmasyon na mayroon ng inisyu ang ICC na arrest warrant.
Saad niya’y kasalukuyan nilang bineberipika ang impormasyon nagsasabing naglabas at nakapagpadala na ang International Tribunal ng arrest warrant para kay Sen. Dela Rosa. “Good morning.
As of this hour, we are currently working to verify this information. We have also not yet seen or received a copy of said arrest warrant. We shall provide further details as soon as it becomes available. Thank you,” ani Justice Spokesperson Polo Martinez.
Ito’y taliwas sa naunang pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin ‘Boying’ Remulla kung saan kanyang isiniwalat ang patungkol rito. Ani kasi Ombudsman Remulla, naglabas na ang ICC ng warrant of arrest laban sa senador na ibinahagi umano sa kanya ni Justice OIC Sec. Fredderick Vida.
Bagama’t wala pang tiyak na detalye o impormasyon, maaalalang ang ngalan ng naturang senador ay siyang inuugnay sa implementasyon ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasalukuyan itong nakadetene sa ICC ng The Hague, Netherlands sa kinakaharap na kasong crimes against humanity.















