-- Advertisements --

Inamin ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) na may malaking epekto sa kanilang trabaho ang kakulangan ng mga commissioners.

Ayon kay ICI special advisers Rodolfo Azurin Jr, na dahil sa nasabing problema ay hindi muna sila makakapag-endorso ng mga dapat na kasuhan sa iniimbestigahan nilang anomalya sa flood control projects.

Sa kasalukuyan kasi ay nananatiling si ICI chairperson Andres Reyes Jr ang natitirang commissioner ng ICI.

Magugunitang nagbitiw sa kanilang puwesto si dating commissioner Rogelio Singson at Rosanna Fajardo dahil sa iba’t-ibang kadahilanan.