Patuloy na lumalakas ang Bagyong Uwan habang ito’y kumikilos sa loob ng karagatang sakop ng Pilipinas.
Huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 985 kilometro silangan ng Eastern Visayas.
Taglay nito ang lakas ng hangin na umaabot sa 130 km/h malapit sa gitna, at bugso ng hangin na umaabot sa 160 km/h.
Kumikilos ito sa direksyong West Northwest sa bilis na 25 km/h.
Signal No. 2
Luzon: Catanduanes
Visayas: Silangan at gitnang bahagi ng Northern Samar, hilagang-silangang bahagi ng Samar, at hilagang bahagi ng Eastern Samar
Signal No. 1:
Luzon: Cagayan (kasama ang Babuyan Islands), Isabela, Quirino, Nueva Vizcaya, Apayao, Abra, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Tarlac, Pampanga, Zambales, Bataan, Metro Manila, Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon (kasama ang Polillo Islands), Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Masbate (kasama ang Ticao at Burias Islands), Marinduque, Romblon, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro (kasama ang Lubang Islands), at Calamian Islands
Visayas:
Natitirang bahagi ng Northern Samar, Samar, at Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, hilagang-silangang bahagi ng Bohol, hilaga at gitnang bahagi ng Cebu (kasama ang Bantayan at Camotes Islands), hilagang bahagi ng Negros Occidental, hilaga at gitnang bahagi ng Iloilo, Capiz, Aklan, at hilaga at gitnang bahagi ng Antique (kasama ang Caluya Islands)
Ngayong araw, inaasahan ang maulang panahon sa silangang bahagi ng bansa, habang maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Metro Manila dulot ng epekto ni Bagyong Uwan.
Inaasahang magla-landfall ito sa timog na bahagi ng Isabela o hilagang bahagi ng Aurora bukas ng gabi o sa madaling araw ng Lunes.
Habang nananatili sa karagatan, inaasahang lalakas pa ito at aabot sa Super Typhoon Category mamayang gabi o bukas.
Dahil sa mga pag-ulang dala ng bagyo, pinag-iingat ang lahat sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa, lalo na sa mga lugar na bulnerable sa ganitong mga sakuna.
















