Hinimok ni International Criminal Court (ICC) presiding judge Joanna Korner ang prosecution at defense na subukang ayusin nang maayos o “To resolve amicably” ang mga isyu kaugnay ng disclosure ng ebidensya sa crimes against humanity case ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sa ikatlong status conference noong Miyerkules, sinabi ni Korner na mas makakatulong kung maresolba ng dalawang panig ang usapin nang hindi na kinakailangang umaksyon ang trial chamber.
Una nang nagpahayag ng reklamo si British lawyer Peter Haynes, legal counsel ni duterte, tungkol sa dami ng mga dokumentong isinusumite ng prosecution.
Binigyan naman ng korte ang dalawang panig ng tig-pitong araw para magsumite ng kaukulang pleadings, kabilang ang motion ng defense at tugon ng prosecution.
Samantala, sinabi ni ICC senior trial lawyer julian nicholls na iimbitahan niya si atty Peter Haynes na makipagpulong muna sa kanya bago magsumite ng aplikasyon sa korte.
















