-- Advertisements --
Nakahanda ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magpadala ng hanggang 50 tauhan para tumulong sa pagbibigay ng tulong at relief operations sa mga biktima ng bagyong Tino sa bansa.
Ayon kay MMDA Chairperson Atty. Don Artes, inutusan na siya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magpadala ng tulong sa mga nasalanta ng bagyo, lalo na sa Visayas at Mindanao.
Gayunpaman, hinihintay pa nila ang permiso mula sa Office of Civil Defense (OCD) kung kailan nila maaaring ipadala ang kanilang mga tauhan.
Nakatakda namang magtungo si Pangulong Marcos sa Cebu upang siyasatin ang pinsalang dulot ng bagyo.
Bukod sa mga tauhan, magdadala rin ang MMDA ng mga kagamitan para tumulong sa operasyon sa mga lugar na apektado ng kalamidad.
















