Naniniwala ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na ang pagpanaw ni Joma Sison ang founder ng Communist Party of the Philippines ay katapusan at pagkamatay na rin ng baluktot na ideolohiya ng terorismo, karahasan, pananakot, pagpapabagsak sa kaayusang panlipunan, at destabilisasyon na ilang dekada na nitong pinamunuan at pinalaganap.
Sa pagpanaw ni Sison, muling nananawagan ang NTF-ELCAC sa lahat ng mga kahanay at kaalyado ng kanyang kilusan na iwan na ang marahas at armadong pakikibaka, mag balik-loob at suportahan ang isang mapayapang lipunan, at mamuhay nang matiwasay at naaayon sa batas.
Ayon sa task force, ang yugtong ito ay nagbibigay oportunidad sa mga Pilipino na magkasundo, magkaisa, maghilom, at magsama-samang tuldukan at wakasan na ang paulit-ulit na siklo ng karahasan at pananakot na ilang dekada nang nagdulot ng pighati at malubhang sugat sa ating Bayan at lipunan.
Samantala, muling tiniyak ng NTF-ElCAC ang kanilang commitment na tapusin na ang communist terrorists group sa bansa at palakasin ang inisyatibang whole-of-nation approach.
” This month pa lang, marami na tayong accomplishments in our efforts to end the CTGs. I am commending the EastMinCom (Eastern Mindanao Command) for the recent dismantling of 6 CTG units in Eastern Mindanao. Earlier this month, Palawan was declared insurgency-free, a major victory for the WesCom (Western Command) and Palawan local government. It is now time to double our efforts in facilitating development projects in these areas,” pahayag ni NTF-ELCAC Secretariat Executive Director Emmanuel Salamat.