-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Kinumpirma ni Atty. Jason Balais, ang regional director ng Department of Labor and Employment o DOLE-Caraga na simula kahapon, Mayo a-1, Labor Day, epektibo na ang ₱20.00 dagdag na daily wage para sa mga minimum wage earners ng Caraga Region.

Ito ang pangalawang tranche sa implementasyon ng Wage Order No. RXIII-19 na inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board o RTWPB-Caraga kungsaan inatasan ang mga employers na taasan ng ₱50.00 ang minimum wage dito sa rehiyon.

Ilalim sa kasabing ka-utusan, ang unang tranche na ₱30.00, ay ipinatupad na nitong Enero a-2 ng kasalukuyang taon kung kaya’t kahapon na ang effectivity ng pangalawang tranche.

Dahil dito, ang daily minimum wage rates sa lahat ng sektor sa Caraga Region, ay ₱435.00 na mula sa kasalukyang ₱415.00.