-- Advertisements --

Isinumite na ni Senator Imee Marcos sa Office of the Ombudsman ang chairman’s report ng Senate Committee on Foreign Relations.

May kaugnayan ito sa pagkakaaresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte na dinala sa the Hague dahil sa kasong crime against humanity.

Sa sulat nito kay Ombudsman Samuel Martires, isinaad ni committee chairperson Imee Marcos na sa pagdinig ay naisiwalat ang ginawa ng mga matataas na opisyal ng gobyerno.

Ang mga hakbang ng matataas na opisyal ng gobyerno ay maaaring maharap ang mga ito sa criminal at administrative cases.

Ilan sa mga opisyal na nais ng senadora na imbestigahan ng Ombudsman ay sina ustice Secretary Jesus Crispin “Boying” Remulla, Interior Secretary Juanito Victor “Jonvic” Remulla, PNP chief Police Gen. Rommel Marbil, CIDG chief Police Gen. Nicolas Torre III, at Special Envoy for Transnational Crimes Markus Lacanilao.

Naniniwala rin ang senador na ang Ombudsman ay walang takot at wala rin itong pinapanigan at kanilang kakasuhan ang mga dapat na kasuhan.

Magugunitang noong Marso 11 ng inaresto ang dating pangulo para harapin ang kasong crime against humanity sa International Criminal Court dahil sa madugong kampanya nito sa iligal na droga sa panunungkulan niya.