-- Advertisements --
Pumanaw ana ngayong hapon ang beteranong aktor na si Frederick Charles Caballes Davao o mas kilala sa screen name na Ricky Davao sa edad na 63 taong gulang.
Taong 2024 nang ma-diagnosed ang aktor na mayroong dinaramdam na isang terminal illness na hindi muna isinapubliko.
Nauna na dito nakilala ang si Ricky Davao bilang dancer sa industriya bago ito maging isang aktor.
Maliban sa pagiging isang batikan sa pagarte, naging bahagi rin ng mga musical plays ang aktor gaya ng huli nitong pagtatanghal sa Silver Lining Redux.
Sa kasalukuyan ay wala pang pahayag ang pamilya at malalapit na kaibigan sa industriya ni Ricky tungkol sa kaniyang pagpanaw.