-- Advertisements --

Muling naihalal si dating Senador Richard Gordon bilang Chairman at Chief Executive Officer ng Philippine Red Cross sa 34th Biennial Convention ng organisasyon.

Simula nang siya’y umupo bilang chairman noong 2004, matagumpay niyang nabago at na-modernize ang PRC.

Sa kasalukuyan, ang PRC ay nangunguna sa humantarian services tulad ng disaster response, relief, safety, health services, shelter, water and sanitation, at welfare service.

Kasabay ni Gordon, nahalal bilang opisyal ng lupon sina Carissa O. Coscolluela (Vice Chairperson), Rodolfo O. Reyes (Board Secretary), at George G. Lorenzana (Treasurer).

Kasama sa PRC board ang mga governor tulad nina Gov. Francis Joseph Jalandoni, Gov. Rachel Arenas, Gov. Oscar Palabyab, at iba pa.