-- Advertisements --

Bukas ang PrimeWater para sa isang makabuluhang dayalogo sa Local Water Utilities Administration (LWUA).

Sa inilabas na pahayag ng PrimeWater, sinabi nitong nakikipag-ugnayan na ito sa LWUA para sa kooperasyon upang resolbahin ang mga isyu.

Tiniyak ng water concessionaire sa publiko na pina-iigting na nito ang mga inisyatibo upang tugunan ang mga kinakailangang gawin lalo na sa mga challenged service areas.

Nananatili anila ang commitment na maisaayos ang obligasyon upang makapagbigay ng pangmatagalang improvement para sa maayos, maasahan at sustainable water service.

Inilabas ng prime water ang pahayag makaraang ipag-utos ng pangulo ang imbestigasyon hinggil sa isyu ng supply ng tubig na sineserbisyuhan ng water service provider.