-- Advertisements --
Nasa 10 katao ang nasawi kabilang ang apat na menor de edad sa naganap na karambola sa SCTEX Toll Plaza nitong hapon ng ng Mayo 1.
Ayon kay Tarlac City chief of police P/Lt. Col. Rommel Santos, mayroong kabuuang limang sasakyan ang sangkot sa aksidente na kinabibilangan ng Solid North bus, tatlong SUV at isang container truck.
Base sa imbestigasyon na, habang nakapila ang apat na sasakyan sa SCTEX toll plaza ay bigla na lamang silang binagga ng pampasaherong bus.
Sinabi ng driver ng bus na nakatulog ito ng bigla.
Dinala ang mga biktima sa Tarlac Provincial Hospital kung saan ang driver ng bus ay hawak na ng kapulisan.