-- Advertisements --
Magsisimula na ngayong araw Mayo 3, 2025 ay magiging full alert status ang Philippine National Police (PNP) bilang paghahanda sa nalalapit na halalan sa Mayo 12.
Ayon kay PNP chief Rommel Marbil na nasa ground na ang mga tauhan nila.
Inatasan niya ang mga kapulisan na higpitan ang pagbabantay para matiyak ang ligtas na halalan.
Aabot sa mahigit 120,000 na kapulisan naman ang itinalaga para magbantay sa mahigit 37,000 na mga voting centers sa buong bansa.
Nanawagan din si Marbil sa publiko na makipagtulungan para mapuksa ang sinumang nagbabalak na manggulo sa halalan.