CENTRAL MINDANAO-Nahuli ng mga otoridad ang isang miyembro ng New Peoples Army (NPA) sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang rebelde na si Dante Idao,41 anyos,may asawa,Squad Leader ng Guerilla Front Committee 53 at residente ng Brgy Balite Magpet.

Ayon sa ulat ng 901st Brigade Philippine Army na tumanggap sila ng ulat galing sa mga sibilyan na namataan si Idao ng mga sibilyan sa Sitio Caligawan Brgy Noah sa bayan ng Magpet.

Agad na inaresto ng mga sundalo at pulis si Idao na may warrant of arrest sa ibat-ibang kaso.

Matagal nang pinaghahanap ng mga otoridad ang suspek na itinurong nanguna sa pananambang sa mga sundalo at pagsalakay sa mga Army/Cafgu detachment sa bayan ng Magpet,Arakan,Antipas at President Roxas North Cotabato.

Sa ngayon ay patuloy na isinailalim sa tactical interogation ng militar at pulisya ang nahuling NPA.