CAGAYAN DE ORO CITY – Naisalba ng tropa ng 4th Infantry Division ang isang sugatang combatant ng New Peoples Army matapos sumuko sa naganap na engkwentro sa masukal na bahagi ng Brgy San Isidro, Santiago, Agusan del Norte.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Major Regie Go, spokesperson ng 4ID Phil Army, binanggit nitong isa ang napatay, at isa ang kanilang nailigtas matapos ang 15 minutong bakbakan sa forested area ng nasabing barangay.

Aniya, nagpakilala ang sumukong NPA member na si alyas Kevin.

Nagtamo ito ng ugat sa kanyang kanang binti at kaagad nilapatan ng first aid ng mga sundalo.

Nagpapagaling pa sa isang pagamutan ng Butuan City ang sumukong NPA fighter.

Sa ngayon, umapela ang 4ID sa iba pang NPA combatants na tigilan na ang kanilang opensiba lalo na’t mismo ang mga residente ang nagrereport sa kanilang presensya.

Iginiit ni Major Go nga habang nalalapit ang Pasko, mas mabuting isuko nila ang kanilang sarili at tanggapin ang tulong ng gobyerno upang maging ligtas at desente ang kanilang pamumugay sa pamamagitan ng enhanced comprehensive and local intgergration program o E-Clip nga Duterte Administration.