-- Advertisements --
Ibibigay ng libre ng gobyerno ng Norway sa kanilang mga mamamayan ang COVID-19 vaccine.
Sinabi ni Prime Minister Erna Solberg, na titiyakin nilang maging ligtas at epektibo ang mga bakunang ipamimigay.
Nauna ng sinabi ng Sweden bilang miyembro ng European Union na bibili ito ng maraming bakuna at ito ay ibebenta sa Norway.
Hindi kasi miyembro ng EU ang Norway kung saan mayroong tatlong pharmaceutical companies ang pagkukuhanan ng EU ng kanilang mga bakuna.
Bahagi rin ang Norway sa COVAX ang global scheme para sa pagdistribute ng mga COVID-19 vaccines na sinusuportahan ng World Health Organization (WHO).