Reading Time: 1 minute
NorthPort
PBA photo

Itinuring na bayani ng NorthPort si Robert Bolick matapos talunin nila ang Meralco Bolts 93-92.

Naipasok kasi niya ang kaniyang layup sa natitirang tatlong segundo ng laro.

Nakapagtala si Bolick ng 18 points tatlong rebounds at dalawang steals habang mayroong 15 points , 15 rebounds, tatlong blocks si Prince Ibeh at 12 points naman si Sol Mercado.

Ipinagmalaki naman ni NorthPort coach Pido Jarencio ang pagiging pursigido ng kaniyang mga manlalaro para makapasok sa playoffs.

Nanghinayang naman si Bolts player Chris Newsome sa ginawa nitong 21 points at 17 points, 11 rebounds , 10 assists ni Delroy James.