Reading Time: 1 minute
TRUMP KIM 2
Trump-Kim

Nagbanta ang North Korea na sila ay magsasagawa ng nuclear test matapos na akusahan ang US ng pagsira ng negosasyon.

Isang tinutukoy nito ang pagsasagawa ng US ng military exercise nila ng South Korea.

Itinuturing kasi ng North Korea foreign ministry na ang ginagawa ng US at South Korea ay isang paghahanda sa giyera.

Isa aniya din itong pagsira sa naging pag-uusap nina US President Donald Trump at North Korea Kim Jong Un noong 2018 sa Singapore.

Hindi naman itinanggi ng White House ang nasabing pagsagawa ng military exercise nila ng South Korea.