-- Advertisements --

Binigo ng NLEX Road Warriors ang Blackwater 80-72 sa nagpapatuloy na PBA Philippine Cup.

Ito na ang pangatlong sunod na panalo ng NLEX sa laro na ginanap sa Ynares Center II.

Bumida sa panalo si Robert Bolick na nagtala ng 20 points habang mayroong 12 points , walong rebounds at tatlong assists ang rookie na si JB Bahio.

Mayroon namang tig-10 points sina Kevin Alas at Dominic Fajardo.

Mayroon ng tatlong panalo at isang talo ang NLEX kung saan nasa pangalawang puwesto sila ng San Miguel Beermen habang ang Blackwater ay mayroong isang panalo at tatlong talo.

Nasayang naman ang nagawang 15 points ni BJ Andrade para sa Blackwater.