-- Advertisements --
Gumagastos ng halagang P1.4-bilyon ang private operator ng North Luzon Expressway (NLEX) para sa pag-upgrade ng radio frequency identification (RFID) readers.
Ayon sa NLEX Corporation na kanilang ina-upgrade ang 127 RFID antennas sa high-frequency scanners na kayang magbasa ng mabilis na RFID stickers.
Mahigpit kasi na ipinag-utos ng Toll Regulatory Board na dapat magkaroon ang NLEX ng 98 percent ng RFID na readability.
Bukod pa dito ay naglalagay din ang NLEX ng bagong automatic license plate recognition (ALPR) cameras sa 315 toll lanes.
Sa kasalukuyan kasi ay mayroong lamang 77 na mga toll lanes ang nalagyan ng ALPR cameras.
Magugunitang epekto sa Marso 15 ay magiging cashless na ang lahat ng mga toll.