-- Advertisements --

Maglalagay ang Land Transportation Office (LTO) ng dalawang mobile command centers sa North Luzon Expressway (NLEx) at South Luzon Expressway (SLEx) ngayong Holiday Season.

Ayon kay LTO chief Markus Lacanilao, na ang nasabing command center ay magsisilbing monintoring system para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero na babiyahe sa Pasko at Bagong Taon.

Paraan din ito para agad na marespondehan din ang anumang aksidente at sakuna sa kalsada.

Nakalagay din sa command center ang artifical intelligence based camera na kayang makakuha ng mga detalye ng sasakyan gaya ng kanilang kulay at plate numbers.