Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) officer in charge police Lt. Gen. Archie Gamboa na pinasibak na niya sa pwesto ang isa sa 13 “ninja cops” na sangkot sa kontrobersyal na 2013 drug raid sa Pampanga.

Nitong umaga nang i-anunsyo ni Gamboa sa flag raising ceremony ng PNP na naglabas na siya ng dismissal order para kay police Lt. Joven de Guzman.

Bukod sa Pampanga raid noong 2013, nasangkot din si De Guzman sa isa pang kontrobersyal na buy bust operation sa Antipolo noong Mayo.

Kung maalala, una ng sinibak ng PNP ang anim na iba pang kasama ni De Guzman sa nabanggit na anti-drug operation.