-- Advertisements --

Iniulat ng Bureau of Immigration ang naging pagharang nito sa isang Nigerian national na may pekeng travel documents.

Layon ng hakbang na ito na tiyaking hindi makakapasok ng bansa ang sinumang banyaga na maaaring magdulot ng gulo.

Kinilala ni BI Commissioner Joel Anthony M. Viado ang Nigerian na si Chinecherem Emmanuel Ike, 20 anyos.

Ang naturang indibidwal ay naharang ng mga awtoridad sa Davao International Airport noong Mayo 17.

Kaugnay nito ay tiniyak ng Bureau of Immigration na mananatili ang kanilang ahensya sa pagpapatupad ng immigration law.

Mandato aniya ng kanilang ahensya na tiyakin na tanging mga banyagang sumusunod lamang sa immigration law ng bansa ang papayagang makapasok.

Nagkunwari umano ang Nigerian na siya ay isang incoming business administration student ng isang paaralan sa bansa.

Patuloy ang BI sa pagharang sa mga banyagang may kahalintulad na isyu para matiyak ang seguridad ng mga Pilipino.