-- Advertisements --

Naging kalmado pero mabigat ang naging reaksyon ni Mamamayang Liberal (ML) Party-list Rep. Leila de Lima sa pagbasura ng Korte Suprema ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Sinabi nito na teknical ang desisyon at nananatiling totoo ang mga alegasyon na hindi pa nasasagot.

Bagamat nirerespeto nito ang desisyon ng Korte Suprema subalit mahalaga na ipaliwanag ito sa mga tao at hindi maari ang shortcuts.

Pagkuwestiyon pa nito ang paglabas ng pinal na desisyon ng SC ng wala pang pormal na tugon ang respondent.