-- Advertisements --

Lumipad patungong Singapore si Davao City acting Mayor Baste Duterte ilang araw bago ang itinakdang charity boxing match sana nila ni PNP chief Gen. Nicolas Torre III.

Base sa impormasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na umalis mula sa Davao International Airport ang bise alkalde at nagtungo sa Singapore nitong umaga ng Biyernes.

Ang nasabing pahayag din ay kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI).

Magugunitang kumasa ang PNP chief sa naging hamon na Duterte na suntukan kung saan minabuti ni Torre na gawing charity boxing na lamang ito para ang kitain ay ibahagi sa mga nasalanta ng mga bagyo at habagat.