-- Advertisements --

Muling nagbabala ang pamunuan ng Bureau of Immigration sa publiko hinggil sa mga ”love scam” job offers sa ibang bansa.

Ginawa ng ahensya ang paalala matapos na ma-iligtas at maiuwi ng bansa ang 24 anyos na Filipino mula sa bansang Cambodia na pinilit na magtrabaho sa isang “love scam” hub in Phnom Penh .

Ayon sa kanya, pinangakuan ito ng trabaho bilang customer service representative para sa isang online betting company.

Paliwanag ng biktima na nakatanggap siya ng job offer mula sa kanyang dating katrabaho.

Lumipad muna ito patungong Taiwan bago bumyahe patungong Cambodia. Sa kanyang pagdating ay sinabi ng kanyang employer na kumausap siya ng mga American citizens sa pamamagitan ng social media at applications.

Kapag hindi aniya nila naabot ang kinakailangang quota ay nanakit ang mga ito para mapilitan silang magtrabaho at maabot ang quota.

Tiniyak naman ng gobyerno ang lahat ng tulong para sa biktima matapos itong makabalik ng Pilipinas .

Patuloy rin ang pagtulong ng ahensya sa iba pang kaso ng human trafficking na bumibiktima ng mga Pilipino.