-- Advertisements --

Tiniyak ng Bureau of Immigration na mayroon silang sapat na bilang ng mga tauhan sa mga paliparan ngayong nararanasan ang ilang araw na halos walang tigil na pag-ulan.

Anila’y sa kabila ng mga pag-ulan at malawakang pagbaha dulot ng Bagyong Emong at Dante, ang mga immigration officers raw nila ay nanatiling ‘full force’ lalo na sa mga pangunahing airports ng bansa.

Kaya’t makakaasa umano ang publiko na tuloy-tuloy ang kanilang serbisyo maseguro lamang ang ‘uninterrupted border services’ ng kawanihan.

Dagdag pa rito’y ayon sa kawanihan, ang ilan sa kanilang mga tauhan ay nag-render shifts pa ng aabot sa 18 hours straight duty mapanatili lamang ang maayos na border operations sa mga paliparan.

Kaya’t pagmamalaki ni Bureau of Immigration Commissioner Joel Anthony Viado na ang dedikasyong ito ng kanilang mga tauhan ay nagpapakita ng paglilingkod lalo na sa mga papaalis at parating na pasahero dito sa bansa.

Habang nagpasalamat naman ang naturang Immigration Commisisoner sa pag-asiste ng Philippine Coast Guard sa mga personnel ng kawanihan na stranded sa kanilang mga tahanan.

Bunsod nito’y hinikayat ng kawanihan ang mga biyahero na manatiling nakaantabay sa anumang abiso sa kanilang ‘flight’ kasabay ang pagkaroon ng pasensya sa pagsaalang-alang ng kasalukuyang panahon.