Nagpasya si 7-time NBA All-Star LaMarcus Aldridge na magretiro.

Sa kaniyang social media, inanunsiyo ng 35-anyos na Brooklyn Nets star ang kaniyang pagreretiro.

Marcus Aldridge
Aldridge/ IG post

Sinabi nito na mayroon siyang sakit sa puso kaya labis siyang nag-aalala.

Noong huling laban nila ng Lakers ay naramdaman niya ang abnormal na pagtibok ng puso kay nagpasya ang koponan na itakbo ito sa pagamutan.

Bagamat bumuti na ang kaniyang kalusugan, minabuti naman niya na magretiro sa liga kung saan naging bahagi siya sa loob ng 15 taon.

Naging 2nd overall pick sa 2006 NBA Draft si Aldridge at naglaro ng halos 10 taon sa Portland Trail Blazers.

Naglaro rin siua ng anim na taon sa San Antonio Spurs bago lumipat sa Nets nitong nakalipas lamang na buwan ng Marso.

Pinasalamatan niya ang mga manlalaro na kaniyang nakasama at ang pagkakataon na mabigyan siya ng tsansa na maging bahagi ng NBA.