-- Advertisements --

Nagpasya ang Brooklyn Nets na tuluyang ipalit ang kanilang All-Star guard na si James Harden sa ibang team.

Sa trade deadline ng NBA, ipapalit nila kay Harden ang tatlong manlalaro ng Philadelphia 76ers na sina Ben Simmons, Seth Curry at Andre Drummonds sa first-round draft picks.

Sa nasabing trade, makukuha ng Nets ang unprotected 2022 first-round pick at protected 2027 first-round pick.

Kung maalala hindi nakapaglaro ng kahit isang beses si Simmons ngayong season dahil sa pagkadismaya niya sa performance ng 76ers noong nakaraang season at kagustuhang mailipat din ng bagong koponan.

Si Harden naman nitong nakalipas lamang na araw ay nagpahiwatig din na mailipat ng team matapos na hindi na mag-renew ng kontrata.

Ang paglipat ni Harden ay habang nasa kalagitnaan na nagpapagaling siya ng injury at ang isa pang Nets superstar na si Kevin Durant.

Sinasabing dismayado rin umano si Harden na dating NBA MVP at naging two-time scoring champion ng liga, dahil hindi sila nakokompleto sa Nets lalo na at hindi pa bakunado si Kyrie Irving.

Bawal pa rin kasi maglaro si Irving sa mga home games sa New York bunsod ng mahigpit na health protocols.