-- Advertisements --

Tinatayang dalawa hanggang sa walong bagyo ang maaaring mabuo o pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa unang kalahati ng 2026, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Inaasahan din ang zero hanggang isang bagyo kada buwan mula Enero hanggang Abril, at isa hanggang dalawa naman sa Mayo at Hunyo.

Inilabas narin ng PAGASA ang bagong listahan ng mga pangalan ng bagyo para sa 2026, kabilang ang Ada, Francisco, Kiyapo, at Pilandok, na pumalit sa mga pangalang inalis matapos magdulot ng matinding pinsala noong 2022.

Narito ang mga pangalan ng bagyo para sa 2026:

  • Ada
  • Basyang
  • Caloy
  • Domeng
  • Ester
  • Francisco
  • Gardo
  • Henry
  • Inday
  • Josie
  • Kiyapo
  • Luis
  • Maymay
  • Neneng
  • Obet
  • Pilandok
  • Queenie
  • Rosal
  • Samuel
  • Tomas
  • Umberto
  • Venus
  • Waldo
  • Yayang
  • Zeny

Ayon sa PAGASA, mananatiling panandalian ang mahinang La Niña at posibleng tumagal lamang hanggang first quarter ng 2026 bago lumipat sa ENSO-neutral condition.

Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nakaranas ang bansa ng 23 bagyo noong 2025 na nagdulot ng halos 350 nasawi at mahigit P32 billion na halaga ng pinsala.