Benjamin Netanyahu
-- Advertisements --

Sumanib na ang pangunahing oppositon party ng Israel sa unitiy government para patalsikin si Prime Minister Benjamin Netanyahu.

Sinabi ni ultra-nationalist at Yamina party leader Naftali Bennett na plano nilang makapagsagawa ng pag-uusap para makabuo ng governing coaliton kay centrist party leader Yair Lapid.

Ang planong coalition ay magdadala ng pagkakaisa ng mga right, left at center political party para tuluyang mapatalsik si Netanyahu.

Mayroong hanggang Hunyo 2 si Lapid para makabuo ng coalition party.

Tinawag naman ni Netanyahu ang hakbang na magpapahina sa Israel.

-- Advertisement --

Inakusahan pa nito si Bennett na nagdudulot lamang ito ng panloloko sa kanilang bansa.