Prime Minister Benjamin Netanyahu
PM Netanyahu/ IG post

Nabigo si Israel Prime Minister Benjamin Netanyahu na bumuo ng gobyerno.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na hindi nakakuha ng sapat na upuan sa kongreso si Netanyahu laban sa katunggali nitong si Benny Gantz.

Sa kaniyang talumpati, inamin no Netany na gumawa na ito paraan para mahikayat si Gantz na bumuo sila ng national government.

Unang nabigyan ng pagkakataon na bumuo ng gobyerno si Netanyahu dahil sa mayroon itong 55 conservative, religious Zionist at ultra-Orthodox seats subalit nagkulang pa rin ito ng anim na upuan para makakuha ng majority.

Dahil sa pangyayari namemeligro ang 70-anyos na si Netanyahu na lider nang tinaguriang right-wing Likud party, na matuloy na ang pagsakdal sa kanya sa tatlong mga corruption cases.

Sa ngayon inatasan na ni Israeli President Reuven Rivlin ang kalaban ni Netanyahu na si Gantz na siyang bumuo naman ng bagong gobyerno.

xxxx