Reading Time: 1 minute

Hinatulan ng habambuhay na pagkakakulong ang isang Indian businessman matapos ang ginawa nitong fake hijacking letter sa palikuran ng Jet Airways mula Delhi patungong Mumbai.

Bukod sa nasabing hatol ay pinagmulta rin si Birju Salla ng mahigit $720,725.

Nais lamang ni Salla na magsara na ang Jet Airways sa Delhi para makasama na niya ang kasintahan nito na stewardess.

Inamin nito ang pangyayari na siya ang nagsulat at nagprint ng pagbabanta sa kaniyang Mumbai office bago kaniyang flight noong Oktubre 2017.

Bago lumapag ang eroplano ay mabilis na inaresto ng mga otoridad ang suspek.