-- Advertisements --
Magpapakalat ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng mahigit na 1,000 kapulisan sa araw ng Biyernes, Setyembre 12 sa inaasahang serye ng protesta na may kinalaman sa flood control anomaly.
Ayon kay NCRPO spokesperson Police Maj. Hazel Asilo, na mayroong 1,250 na kapulisan ang ilalagay sa mga pangunahing lugar na gaganapin ang protesta.
Ilan sa mga tukoy na lugar ay ang Mendiola, mga opisina ng Department of Public Works and Highways (DPWH), Senado at House of Representatives.
Mayroon ding nakaantabay na 1,300 na mga kapulisan na magsisilbi bilang backup kung kinakailangan.
Dagdag pa ni Asilo na mayroong apat na grupo ang nagsabi na magkakasa sila ng Black Friday Protest bilang pag-kondina sa mga nagaganap na kurapsyon sa bansa.