-- Advertisements --
General Guillermo Eleazar
NCRPO director Maj. Gen. Guillermo Eleazar

Promoted bilang no.4 man o pang apat na pinaka mataas na pwesto sa Philippine National Police (PNP) si NCRPO chief MGen. Guillermo Eleazar.

Ayon kay PNP Spokesperson BGen Bernard Banac epektibo bukas October 12,2019 ang appointment order.

Sinabi ni Banac si PMGen. Guillermo Eleazar ang bagong The Chief of Directorial Staff ng PNP.

Si PLtGen. Francisco Archie Gamboa ang Deputy Chief PNP for Administration.

Si PLtGen. Camilo Pancratius P Cascolan ang Deputy Chief PNP for Operations.

Habang si PRO-7 Regional Police Director ang itinalagang incoming NCRPO chief si PBGen Debold Sinas.

Hindi pa sinabi ni Banac kung sino ang papalit sa pwesto ni Sinas.

Pero batay sa lumulutang na impormasyon ang pinagpipilian para maging region 7 police regional director ay sina Manila Police District Director PBGen. Vicente Danao at PCRG chief PBGen. Rhodel Sermonia.

Sa kabilang dako, sina Gamboa at Cascolan naman ay mistah ni PNP Chief Oscar Albayalde na pawang mga contender para maging next PNP chief.

Kasama din sa pinagpipilian ay si MGen. Eleazar na miyembro ng PMA Class of 1987.

Lumulutang din ang pangalan ng mga heneral na sina BGen. Filmore Escobal ng PSPG, PBGen. Vicente Danao na pawang miyembro ng PMA Class of 1991, PBGen. Rhodel Sermonia at si PBGen. Gilbert Cruz.

Sa ngayon, hindi pa nagsusumite ng mga pangalan ang PNP sa DILG bilang rekumendasyon para pagpipilian para maging susunod na Chief,PNP.

Samantala, sa pakikipag ugnayan ng Bombo Radyo kay DILG Secretary Eduardo Año kaniyang sinabi na hindi pa siya nagsusumite ng short list sa Malacañang para pagpipilian ng Pangulong Rodrigo Duterte.