-- Advertisements --
Hinahangaan ngayon ng marami si Rafael Titus Sia na isang batang atleta mula sa National Capital Region (NCR).
Namayagpag kasi siya sa Palarong Pambansa 2025 sa larangan ng swimming.
Sa kanyang husay, itinanghal siyang Most Outstanding Swimmer sa kategoryang Elementary Boys at nakamit ang limang gintong medalya.
Kabilang sa kanyang mga panalo ang 50m at 100m backstroke, 100m at 400m freestyle, at 200m freestyle, kung saan nagpakita siya ng pambihirang bilis at diskarte.
Itinatala niya ang kanyang pangalan bilang isa sa pinakamahuhusay na batang manlalangoy sa bansa, na nagtakda rin ng bagong Palarong Pambansa record.