-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Matagumpay na na-airlift ng mga kasapi ng Philippine Army at Philippine Air Force sakay ng S-70i Black Hawk helicopter patungo sa Tagum Medical Center ang isang batang atleta na na-injured sa baseball sporting event kahapon sa patapos ng Palarong Pambansa 2026 para sa medical evaluation at pagpapagamot.

Ito ay alinsunod din sa kanilang pangako sa public service at kaligtasan ng mga kalahok sa Palaro Tu AgSur 2026.

Ang matagumpay na medical evacuation ng atleta ay nagbigay-diin sa kahandaan at dedikasyon ng Armed Forces of the Philippines sa pagliligtas ng mga buhay.