-- Advertisements --

Humihirit ngayon ang OCTA research group mula sa UP, na sana i-extend pa ng pamahalaan ang umiiral ngayon na NCR Plus bubble sa mga lugar ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, kabado sila na baka abutin pa sa record high na 13,000 kada araw ang maitatalang mga bagong kaso ng virus sa bansa pagsapit ng buwan ng Abril.

Research graph COVID OCTA UP

Para umano mabaligtad ang ganitong mga trend, naniniwala sila na kailangang magkaroon daw ng extension ng implementasyon ng NCR Plus bubble na magtatapos sa April 4.

Kung maalala kahapon halos 10,000 ang mga bagong kaso ng infections sa bansa na maituturing na all time high.

Muli ring nagpaabot nang pangamba si Dr. David na kung hindi mapipigilan ang bilis ng paglobo ng mga pasyente ay magiging problema ang pagkapuno ng mga ospital.

Aniya, kung layon daw natin na mapababa ang pagdami ng kaso kailangan ang mas istriktong lockdown.

Gayunman, aminado ito na hirap din ang gobyerno na balansehin ang kalusugan at layunin na hindi pagbagsak ng ekonomiya.

Kaya naman ang DTI ay umaasang maibabalik muli sa April 5 ang mga sektor ng ekonomiya na naapektuhan sa paghihigpit.

baclaran church residents COVID people

Samantala, sa ngayon nananatiling epicenter ang NCR sa may pinakamaraming kaso ng COVID-19 kumpara sa ibang mga rehiyon na sa kabuuan ay umakyat pa sa 301,519.

Sinusundan ito ng Region 4A-Calabarzon (116,998), pangatlo ang Region 3 o Central Luzon (48,652) at pang-apat ang Region 6 o ang Western Visayas (28,955).

Ang mga top provinces naman o cities batay sa data ng DOH ukol sa dami ng mga kaso ay ang Quezon City na may 57,454, sinusundan ng syudad ng Maynila (39,961), Cavite (34,037), Laguna (28,724) at Rizal (28,162).