-- Advertisements --

Handang pangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Nicolas Torre III ang paghahanap sa bangkay ng mga sabungero na siyang nawawala apat na taon na ang nakalilipas at hindi umano’y inilibing sa Taal Lake.

Ayon kay Police Regional Office III Director at PNP Spokesperson PBGen. Jean Fajardo gagamitin nila ang mga naging pahayag at rebelasyon ng itinuturing na state witness at whistle blower sa kaso na si alyas “Totoy” para muling maumpisahan ang imbestigasyon sa pagkawala ng mga sabungero.

Itinuturing din ng PNP na isang malaking development ang mga pahayag na ito ni Totoy para agad na maresolba at mabigyan ng hustisya ang mga sabungero maging ang mga pamilya nito.

Bagamat isang malaking breakthrough sa kaso ang rebelasyon, nanatiling isang malaking hamon para sa PNP ang paghahanap sa mga labi ng mga sabungero lalo na’t nasa 34 na mga bangkay ang nakatakda nilang hanapin sa malawak at malalim na Taal Lake.

Kaunod naman nito ay nakahanda rin ang kanilang kapulisan na magbigay ng police assistance sa lumutang na witness upang matiyak ang seguridad at kaligtasan nito.

Samantala, nakatakda namang makipagugnayan ngayon ang PNP sa bagong witness para naman mahingan ito ng opisyal na mga pahayag na siyang magagamit sa paghahanap sa mga naturang bangkay.