-- Advertisements --

Nakakuha ng mga bagong pwesto sa Philippine National Police (PNP) ang higit sa 20 na mga opisyal san naging malawakang balasahan sa pwersa ng kapulisan sa ilalim ng liderato ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III.

Kabilang dito ang apat na opisyal na siyang pinangalanan bilang mga bagong Director ng ilang Police Regional Offices (PRO) base sa naging direktiba ni Torre na siyang naging epektibo rin ngayong Huwebes.

Isa sa mga opisyal na napabilang sa revamp ay si PBGen. Jack Wanky bilang bagong hepe ng Police Regional Office 4A (CALABARZON) kung saan papalitan niya si PBGen. Paul Kenneth Lucas na siya namang magiging bagong Deputy Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Si PBGen. Ponce Rogelio Penones naman ang papalit kay Wanky bilang PRO 6 Chief habang si Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Officer-In-Charge PBGen. Rolindo Suguilon naman ang bagong Director ng PRO 10.

Sa Metro Manila naman, si PBGen. Arnold Abad ang pinangalanan bilang bagong lider ng Northen Police District na siyang sakop ang mga siyudad ng Caloocan, Malabon, Navotas at ng Valenzuela.

Itatalaga naman si PBGen. Randy Arceo bilang bagong hepe ng Southern Police District na siya namang sakop ang Las Pinas, Makati, Mutinlupa, Paranaque City, Pasay, Taguig at maging ang Pateros.

Ilan naman sa mga opisyal na nakakuha ng bagong mga pwesto ay sina:

-PMGen. Robert Alexander Morico II – chief, Area Police Command-Visayas;

-PBGen. Romeo Macapaz – acting director, CIDG;

-PBGen. Frankie Candelario – Directorate for Intelligence;

-PBGen. Jonas Amparo – PNP Retirement and Benefits Administration Service;

-PBGen. Martin Defensor – Finance Service;

-PBGen. Noel Vallo – chief, Logistics Support Service;

-PCol. Felix Verbo, Jr. – chief, National Police Training Institute (NPTI);

–Brig. Gen. Melecio Buslig Jr. – deputy regional director for administration, PRO 4B (Mimaropa);

-PBGen. Warren Gaspar Tolito – chief of staff, PNP Academy;

-PBGen. Glicerio Cansilao – director, Anti-Kidnapping Group;

-PCol. David Poklay, director – Intelligence Group;

-PBGen. Christopher Abecia – director, Maritime Group;

-PBGen. Jason Capoy – director, Aviation Security Group;

-PBGen. Edwin Quilates – director, Drug Enforcement Group

Samantala, ang naging balasahan naman ay nakikitang isang estratehiya ni Torre para mailagay sa pwesto ang mga makakatulong sa kaniyang liderato at tungkulin bilang bagong lider ng Pambansang Pulisya.

Samantala, hinimok naman ni Torre ang mga bagong talagang opisyal na panatilihin ang pagiging pantay at ang integridad sa pagganap sa kanilang mga tungkulin.